Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
CokskiBlue has officially MOVED to ThisIsCoy.Net.

Episode 18: Paglipas

Saturday, August 18, 2007

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Someone had asked me this week if my english-dominant script on my last vidcast, The Hit List, was intentional. Well, yeah, kinda. Because I'm about to drown you in serious Tagalog this week. Haha.

Ehem.

Ayan. Narinig niyo na ba ang balita tungkol kay Malu Fernandez - ang manunulat mula sa Manila Standard Today at People Asia Magazine na sumulat ng mga pagmamatang salita laban sa ating mga OFWs? Alay ko sa kanya ang bidyo na inyong mapapanood sa ibaba. At sapagkat hindi ko pa kayang gumawa ng sanaysay ukol sa Wika at Sex dahil sa aking inaalagaang imahe (ano kamo?), narito muna ang aking inihandang talumpati para sa Wika 2007 ng PinoyBlogosphere.com. At hulaan ninyo kung anong taon ko ito sinimulan (Clue: Hindi 2007) :

VOTE FOR COY NOW!Akin itong isinulat ilang taon na ang nakalipas. May pinagbago ba?

Pilipinas…Philippines -- ano ang pagkakaiba? Ano ang mas kaaya-aya sa ating pandinig? Katulad nga ng nakasaad sa kasabihan, “Ang rosas sa kahit anong pangalan ay patuloy pa ring hahalimuyak.” Iyan din ang ating bayan. Iyan ang tinaguriang Perlas ng Silanganan. Bawat Pilipino’y taas-noo sa harap ng mga dayuhan...


Ngunit bakit? Bakit parang ang laki na ng pinagbago? Ating pagsasalita’y linigaw na ng ating dila. Parang nawala na sa ating mga puso ang ating pagka-Pilipino. Ang iba diyan ay pasosyal-sosyal pa. Halatang ikinahihiya ang kayumangging balat sa iba. Minsan ay hindi ka na talaga makapaniwala sa mga naririnig. Wala nang paggalang ang lumalabas sa kanilang mga bibig. Mapapatanong ka na lamang: Ano na nga ba ang mga nangyayari? Wala na ba tayong ibang maisip kung hindi ang sarili? Paano na ang bansa nagluwal sa atin? Huwag ninyong sabihing ang Pilipinas ay palubog na kasama natin.


Join the boycott! Teach Malu Fernandez a lesson! Sign up at Tingog.com!

Paggising pa lamang sa umaga ay bubungad na agad ang banyagang tinig sa radyo. Kung mapapakinggan mong magsalita, tila mas magaling pa sa Amerikano. Pati mga awitin, patuloy nang nag-iiba. – ‘tunog-puti at negro’ na lamang ang laging nasa tema. Oo nga may sumisikat ngang taga-Asya. Ngunit saan ba iyon nanggaling - hindi ba at sa Taiwan pa? Mas napupusuan pa ng mga pinoy ang mga awiting hindi nila maunawaan. Kung tutuusin, sa garbo at pagwapuhan lamang ang pinapakitang labanan. Ngunit bakit nga ba nalunod na ang tunog-pinoy at hindi na alintana? Pati mga mang-aawit natin ay tila dinala na ng agos -- mga kantang purong Pilipino, parang isa-isa nang nawawala.

Nakalulungkot man ngunit nakakatawa rin minsang isipin ang mga nangyayari. Isipin mo ba namang higit sa isandaan ang wikang tatak Pilipino at ni isa’y di man lang linangin at pagtalagahan? Ni sa mga pamantasan ay hindi man lang maikampanya nang lubusang mapag-aralan. Ngunit, nakakatawa pa ba talaga? Parang ang ating kultura ay unti-unti nang nawawala. Mga Tagalog nais mag-Hapon. Mga Bikolano nagpapakahirap matuto ng Pranses. Mga Bisaya, mas gusto pang mag-Ingles. Ano na ang nangyayari sa wikang Pilipino? Unti-unti na itong tinatabas ng mga mamamayan – lalung lalo na ng mga kabataan.

Ito ba ang bansa na puno ng kultural na yaman? Ni wika nga natin hindi natin maalagaan! Mga taong hindi gamay ang wikang banyaga ating pinagtatawanan. Yun pala, lahat tayo’y dahan-dahan na ring nabubulok ang isipan. Ano pa kaya ang matitira sa atin kung pati ito ay napapawi na? Tayo kaya’y mga Pilipino pa?

Ang wika natin ay hindi dapat maging parang ibong kapag pinakawalan ay di na bumabalik. Dapat itong linilinang at ipinagbubuti. Sa ganitong paraan pa lamang ay ipinapakita na natin ang ating pagmamahal sa inang bayan. Ito’y tatak ng isang Pilipinong tunay ang kahalalan.

Oo nga’t may mga wikang banyaga na lubos nating kailangan. Para sa kaunlaran ng bansa, ito’y dapat ring matutunan. Ngunit kung ito’y lubusan nang ipapalit sa ating maraming wika, mas maganda nang maghirap kaysa dangal ang mawala. Ipakita naman natin ang ating pagpapahalaga... upang ang kinabukasan ng Pilipinas ay tingalain ng ibang bansa.

PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)


presents

Wika2007 Blog Writing Contest

Theme: Maraming Wika, Matatag na Bansa


Sponsored by:

Ang Tinig ng Bagong Salinlahi

Sumali na sa DigitalFilipino.com Club

Sheero Media Solutions - Web Design and Development

Yehey.com - Pinoy to p're

The Manila Bulletin Online

WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia

Labels: , , ,

CokskiBlue
8:44 AM
27 Comment(s)


27 Comments:




hahaahha! nakahabol ka pa pala... dko pa mapanood yung vid. pero interesado ko... oh well... GOOD LUCK!

at sya nga pala... your entry turned out great. *naks*

By Anonymous Anonymous, at August 18, 2007 at 7:19 PM  




Great vid Coy, it was so inspiring and you really got me there. They should show that in a local television channel or something. :)

By Anonymous Anonymous, at August 19, 2007 at 1:41 AM  




Para kang nakikipag-contest sa Balagtasan ah.

I prefer your normal speaking voice, whether in English or Filipino. =)

By Blogger Unknown, at August 19, 2007 at 1:48 AM  




@andianka

Haha. Thanks Andrea. You're the one who pushed me to submit anyway. Salamat. :)

@juice

Wow. Thanks Justine. :) I was worried it came out on the OA / corny / funny side. At least someone thinks otherwise. May feelings yan ah. With hand gestures pa. Hehe.

@rex

Yeah. Haha. Yun yung gusto kong lumabas. And this will be the last of it too. Sana. Hehe.

I also prefer my normal voice. Kaka-paos yung ginawa ko dito naka-ilang take. LOL.

I recorded it with my normal voice at first but it lacked something. Parang wala lang. So I recorded this. Bahala na. :P

By Blogger CokskiBlue, at August 19, 2007 at 2:07 AM  




ehem, kilala ko ata itong essay na'to, hehe. buti naman na-submit mo na. how do you say asteeg in classic tagalog? :)

By Blogger gibbs cadiz, at August 19, 2007 at 7:05 AM  




@gibbs cadiz

Asteeeg? -> TIGAS! Hehe.

By Blogger CokskiBlue, at August 19, 2007 at 7:13 AM  




tumaas ang presyon ko nung makita ko yung baboy. ahehe otherwise, the tagalog made it different kahit pareho yung boses. parang yung voice over sa abscbn shows. but the best part of it was the message. nice vid coy.

By Blogger p, at August 19, 2007 at 7:40 AM  




@paolo

Hehe. Don't you just looove the picture. :P

Thanks, man. May TFC ka pala dyan. Hehe.

By Blogger CokskiBlue, at August 19, 2007 at 8:14 AM  




Hi Coy. Congratulations sa iyong entry. Mukhang may potential ka sa paggawa rin ng all-Filipino podcast (like teaching culture).

By Blogger Janette Toral, at August 19, 2007 at 3:50 PM  




Wow. Thanks ma'am Janette. :) Hope I can come up with something significant in the future. Salamat. :)

By Blogger CokskiBlue, at August 19, 2007 at 3:59 PM  




Linked this to the campaign index. Again, great work!

By Anonymous Anonymous, at August 19, 2007 at 4:56 PM  




Thanks Arbet! :)

By Blogger CokskiBlue, at August 19, 2007 at 7:28 PM  




Waw Coy Talumpati? Haha nice work (as usual) Kamusta naman si Malu, special guest? Haha!

By Anonymous Anonymous, at August 19, 2007 at 9:28 PM  




Thanks LA!

Hinabaan ko pa sana pero napaos na ako. Haha! Special guest? Guest lang. Hindi special. :P

By Blogger CokskiBlue, at August 19, 2007 at 9:37 PM  




Paglabas ko kanina sa gate ng bahay, 'di ko napansin may malaking daga sa daan. Dun mismo kung saan ka aapak pag lumabas ka. Nahagingan ko ng padaplis ng apak tas pagkita kong daga napalundag ako. Hindi sa takot pero sa awa. Kasi akala ko ako nag-cause ng pagkalupaypay nya. Nung tingnan ko syang mabuti, yung isang part ng katawan nya parang may agnas. Mukhang may sakit. Mukha pang nangungusap ang itim nyang mga mata sa brown kong mga mata. Naawa ako. Naalala ko kasi angkan ni Ratatouille.

Kung tatanungin mo kung ba't ko naman na-share 'to, napalundag din kasi ako nung nakita ko yung nagiisang picture ng (sana) tao sa vid mo. Dahil na rin siguro sa awa. Pero ibang klaseng awa. Yung tipong, "ay, nakakaawa!" Tapos yung tipong nakaamoy ako ng mabaho, ganun yung facial expression ko.

Wag mong pansinin ang comment na 'to. May sapi lang ako ngayon.

PS: WhataBOOMINGvoiceyouhave!

By Blogger Fritz, at August 20, 2007 at 11:21 AM  




OMG! You really sound like one of the voiceovers kapag may ad campaign ang mga politiko. or yung mga stop corruption ads. hehe...

the vid was short but hard hitting. astig yung balagtasan style. tunog OA pero hindi naman. hehe...full of emotions kasi.

:thumbsup:

By Blogger renzyd, at August 20, 2007 at 7:24 PM  




Amazing Coy, as usual!

Ang galing ng naging effect ng boses.. parang.. woah! Haha. Sana nagets mo yun, kahit papano!

Anyway, dooglack! :) Great entry! ;)

By Anonymous Anonymous, at August 21, 2007 at 5:21 AM  




nice meeting u agen! :P kita kits nalang ulit sa taste asia 2! hehehe.. sarap cookies no?? waheheh.. nag sign up na ako sa tingog.com! bwahahaha!! :P

By Anonymous Anonymous, at August 21, 2007 at 7:53 AM  




ay tama.. coy yung pic pala na e sesend mo.. wahehe.. send mo sa jehzlau@dostscholars.org ha... thanks in advance.. wee!! c u agen sa Taste Asia 2!! :D

By Anonymous Anonymous, at August 21, 2007 at 2:36 PM  




kaw ba yung nagsasalita?

lubha kong nagustuhan yung video mas lalo pa yung narration...

hindi ko lang nagustuhan yung malu...


hindi ko talaga manghusga kasi hindi ko naman siya kilala personally o pati yung article niya eh hindi ko pa nababasa..

pero kung ano man ang nabasa at narinig ko sa video at sa entry na ito, i think its enough na mapatunayan na may mga ganitong tao...

totoo pala yung sinasabi nang tito ko, na pag nasa ibang bansa ka, walang ibang magbabagsak sayo kundi kapwa Pilipino.

sounds close for what reason na connect ko siya (malu)...

he he

anyways, i linked yu ha...

;)

By Anonymous Anonymous, at August 22, 2007 at 3:05 AM  




OK. magrereply na sana ako kaya lang exam ko na in 15 minutes. Musta naman. Hehe. Later all!

By Blogger CokskiBlue, at August 22, 2007 at 11:13 PM  




Nalunod ako!!!

Lol.

By Anonymous Anonymous, at August 24, 2007 at 6:40 AM  




nakanang! husay ni Gat Philip Caballes! yahu!!

PS: ano ang "sosyal" sa salitang Filipino?

By Blogger aajao, at August 25, 2007 at 6:58 PM  




@fritz

Late man 'tong reply ko pero bentang benta sakin yung comment mo dude! Hehe. Natawa naman ako sa mga siningit mong italicized words. Makatang-makata. Hehe.

@renz

Haha. sadya yang OA. kung nakita mo lang ako habang nagrerecord. hehe.

@cars

woah! na-gets ko. ;) tsalamat cars!

@jehzlau

nice seeing u again. teka. isesend ko na yung pic. hehe

By Blogger CokskiBlue, at August 29, 2007 at 9:17 PM  




Malikhain ka talaga! :)

By Blogger Ederic, at September 1, 2007 at 9:16 PM  




@kingdaddyrich

Hindi ko rin kilala si Malu personally so I'm condemning her actions not the person herself.

Thanks for linking. :)

@utakgago

Haha! Patay ako sa fans mo. :P

@aajao

Haha. Di ko alam e. Matanong nga kay Ederic. Hehe. Mas gusto ko na rin yung "sosyal" paa swak kay Malu Fernandez. Hehe.

@ederic

Salamat Pareng Ederic! Sikat na ang Writing Project nyo ni Benj! Hehe.

By Blogger CokskiBlue, at September 1, 2007 at 9:23 PM  




huli man ... ok sa orayt yung munti mong talumpati! :D

By Blogger zerovoltage, at September 18, 2007 at 10:10 AM  



Post a Comment


WHO IS COY?

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

I'm a 21-year old Pinoy Video Blogger and an aspiring film maker from Cavite - currently taking up BS Computer Science at the University of the Philippines, Diliman. CokskiBlue is a collection of my work which covers just about anything - from travel, events, up to various reviews. And I support the campaign for more Filipinos to vlog!
Let us all be heard - and seen!

-COKSKIBLUE HOME-


Watch The Coy Intro
04/18/07

JOIN BLOG RUSH!


RECENT VIDEOS

Episode 17: The Hit List
Coy After Dark #5: A Week After
Episode 16: High School Musical
Episode 15: Another Harry Potter
Episode 14: Ten, The Countdown
Episode 13: Pinoy Big Bash
Episode 12: Huling Hirit
Episode 11: Bloggers Exposed, Dos
Episode 10: Bloggers Exposed, Uno
Episode 9: Found

<- Main


TOP 10!

Digital Filpino

Blogs that nominated Cokskiblue to be included on the Top 10 Emerging Influential Blogs in 2007:

"Galing nyang mag-edit. Sana marami pa kong makitang VLOG ng mga NOYPI."
- Micamyx

"Welcome to the home of pinoy’s funniest video blogs!"
- Dr. Tess Termulo

"his voice is making female bloggers go-gaga over him..."
- Milk Planner

"I really enjoy watching this guy's vlogs."
- Paolo Mendoza

"definitely brings out something refreshingly cool and different..."
- Atheista.Net

Thanks for the recognition!

TWEEET!



VIDEO LIBRARY

April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
November 2007
August 2010

SUMMER '07 SERIES




WATCHERS' VIEWS

CokskiBlue Featured on other Blogs:

NEW! "astigin ang pagkakadirect, screenplay, art direction, cinematography, costume design, editing, make-up..."
- Heneroso

NEW! "i found the video really funny..."
- Asdix

"does most of his vlogging through clever editing..."
- Komikero.com's Gerry Alanguilan

The Spiderman 3 Review
- Featured @ Movie Expert Opinion

"I was actually inspired by Coy..."
- Tanggera

"our first Video Guestblogger..."
- Sa Wari Ko

"It's a blog that celebrates life!"
- Kimoix

"Filipino Blog Nominee..."
- Vote @ Talk Smart

"may nadagdag na naman sa mga targets ko..."
- Pinoy Scoopery

"the toast of the Philippine Blogosphere..."
- Atheista.Net

"his video blogs are very amusing and informative ..."
- Imman

Other Blog Features

Gibbs
Sam
ThestarrJ

SPEAK UP!



DAILIES


RECENT WATCHERS


counter
design: Coca-Cola Creator

BLOG ROLL

BLOGROLL ME!


Add to Technorati Favorites

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Free Blog Counter